Burgos St.
1. karaniwang asul
2. karaniwang sira
Kapag natanaw mo ang isang jeepney na may ganitong dalawang katangian, aba, Burgos na talaga iyon.
Wala lang. Hindi talaga iyon ang pangunahin kong istorya.
Ganito kasi yun. Kanina lang ay lumabas ako upang maglipat ng mga files sa memory card ng aking ama. Hindi na nakaya ng pwersa ng bluetooth at infrared niya kaya akin pang kinailangan na maghanap ng memory card reader (na wala ako =c). Nakahanap naman ako ngunit ako pa ay napilitang magbayad ng P63.00 sapagkat umaabot na sa P60.00 ang PC rental dito sa Makati Avenue. Palakad pauwi ay nadaanan ko muli ang Burgos St.
Sa isang gabi mula Enero hanggang Oktubre, likas na maliwanag na talaga ang daang ito dahil sa mga bar na nakahilera dito. At ngayong Kapaskuhan, mas lumiwanag pa ito dahil sa mga Baratillo (aka tiangge) na nakihilera sa mga bar. Nakihanay pa ang mga kainan.
Nadaanan ko yung isang tindahan ng pagkain na nagbebenta ng lumpiang shanghai, siomai, palabok, gulaman at marami pang iba. Napabili naman ako ng siomai. Sa pananatili ko doon sandali para kumain, napagtanto ko na yung tindahan pala na pinagbilhan ko ay yung tindahang tinutukoy ng kapatid ko na nagbebenta ng lumpiang shanghai na puro wrapper lang naman. Kumbaga 3/4 sa kabuuan ng shanghai ay pulos molo lang. Molo lang! Natikman na naman kasi niya dati. Sa mga panahong nakatayo ako sa harap ng nasabing kainan, naisip ko tuloy kung ano yung sasabihin ng tindero kung sasabihin ko sa kanya na , "Pabili po ng molo wrapper..." Maiisip niya kaya ang naiisip ko?
Nakakalungkot tuloy na andami nang magugulang sa mundo.
Share: Hindi naman daw talaga nag-originate ang lumpiang shanghai sa Shanghai, China.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home