Five Days To Go
I am enthralled to see how people would dress up on my debut. Actually, parang mas na-eexcite ako makita yung mga grown-ups (Naks naman. Ang ganda ng euphemism na ginamit ko. =p). Yung mga ka-age bracket ko kasi, given nang alam nila pumorma ng glam rock and roll. Eh yung mga grown-ups, ewan ko lang. Exciting talaga. Mmmm. =p
Tumaas na pala platelet count ni dear brother. Salamat sa mga nagdasal for him. =p
Kaninang madaling araw, may nalaman akong sad na balita about and from my bestfriend. Tipong "Oh? Weh? Talaga? 'Di nga?" yung na-elicit sa'kin na reaction nung kinwento niya yung events. Naapektuhan ako, seryoso. Paggising ko nung umaga, ni-wish ko na sana panaginip lang yung lahat ng nag-transpire nung dawn. Na sana hindi totoo. Na phony lang. Pero hindi eh. Hai. =c Parang nung gabi lang, sobrang saya ko at ever-present ang smile sa labi ko. Sabay poof. Nung madaling araq ay biglang ganun.
Postscriptum: Ang hirap kapag yung taong mahal mo ay nasa harap mo na pero hindi mo man lang mayakap.
2 Comments:
unrequited love?
good for your brother. sana hindi na bumaba pa 'yung platelet count niya. :D
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home