Friday, January 13, 2006

Ngarag Nitong Miyerkules

Mahilig ako sa mga bato. Mahilig talaga ako sa mga bato. Sobrang mahilig talaga ako sa mga bato.

Kung iniisip niyo na isa akong adik at isang nilalang na hayok sa droga, nagkakamali naman kayo. Ibang bato naman kasi yung tinutukoy ko.Yung mga batong tinutukoy ko ay mga gemstones. Gemstones. Tama, gemstones. Yung tipong mga amethyst, citrine, quartz, etc. Sana naiintindihin niyo na ang nais kong iparating. Kung hindi, magresearch na lang kayo ukol sa nasabing topic sa Google, Yahoo, Altavista. Try niyo na rin siguro sa Friendster search nang malaman ng sangkatutak mong Friendsters kung ano ba ang pinagrereresearch mo lately. O kung balak niyong magpakasipag, sa library kayo pumunta. At kung gusto niyo pa lalong ipamalas ang kagitingan niyo, yung Dewey Decimal System gamitin niyo. Bahala kayo kung ano ang napipisil niyong desisyon. Kung wala, sige lang. Ayos lang. Go.

Yung amethyst ay kadalasang purple at birthstone ng mga pinanganak sa February. Binigyan ko nga yung daddy ko nun kasi February 13 siya pinanganak. Pero hindi naman talaga yung amethyst yung gusto ko ikwento. Hindi talaga yun. Hinding hindi.

Yung citrine naman, may pagka-dilaw. Mayroon akong maliit na ganun dito sa bahay, sa may lalagyan ng mga hikaw ko. Maganda raw yun para sa negosyo. 'Eto yung batong involved sa aking kwento. Eto talaga yun, eh. Oo talaga.

Nilabas kasi ni Ken yung malaking sphere niya ng citrine bago mag-Histo. Siguro kasing laki nun yung kamao mo ngayon. Tignan mo yung kamao mo. Ayan.

Tapos 'eto namang si James, hiniram yung sphere mula kay Ken tapos -

James: Uy, pag nag-concentrate ba ako dito nang matagal, makakalipad ako?
Ken: Hay nako (sabay tingin sa ibang dako). Pouch, ikaw na sumagot.
Pouch: Syempre, hindi. Duh.

At ikinalungkot ko yung sagot ko maski naman totoo yun. Wala na kasi yata talagang paraan para makalipad ang tao nang siya lang mag-isa. Yung tipong hindi na niya kailangan pa ng harness o kahit ano pa man.

Mula pa lang nung bata ako, sobrang gusto ko na talagang makalipad. At hanggang ngayong medyo matanda na ako, isa pa rin yun sa mga pangarap ko. Naalala ko tuloy yung kanta ng mga bulag na tumutugtog ng gitara sa mga lansangan:

"Pangarap ko'y di naabot...
Dahil sa bawal na gamot..."

Poor soul. Maski na di ako nag-dodroga ay 'di ko pa rin maabot ang pangarap na 'yun.

Kung naniniwala lang sana ako sa mga chain letter, yung power ng paglipad yung hihilingin ko. E kaso hindi ako naniniwala sa mga ganun (tignan ang aking previous post). Wala rin.

Alam ko namang maski na kumpletuhin ko pa ang Simbang Gabi sa susunod na taon ay hindi ko matatamo ang kakayahang makalipad. Ganun naman yata talaga ang paglipad, eh. Parang world peace. Parang totoo, pero hindi naman pala.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home