Thursday, January 26, 2006

Para Sa'yo ang Laban na 'To

Natutuwa talaga ako na nanalo si Pacquiao sa rematch nila ni Morales. Ewan ko kung bakit sobra sobra na lang ang saya ko. I have never been this involved kasi sa matches niya before. Ang saya talaga. Go Pacman! Haha. As if naman may matatanggap akong balato. Oh well.

Bukod sa excitement, may ilang bagay rin akong narealize habang pinapanood at matapos ko mapanood ang match ni Pacman:

1. May commercial pala after all ang Pegasus, ang "Ultimate Men's Club". At sa super iksing commercial na yun on national television, nailahad na ang tagline nito na something like, "where you find the difference between the beautiful and most beautiful." In fairness, sana naiintindihan ng mga parokyano ng Pegasus yun. At sana, hindi biglang magtanong ang mga toddlers na nakapanood ng ad na yun sa mga ina nila (a) kung may carousel ba sa Pegasus; (b) kung pwede ba ang babae sa Pegasus.
2. Sadyang marami pala talaga ang mga products na ineendorse ni dear Pacman. Ang wide pa kaya ng range ng mga products na yun. Mula Alaxan (na mukhang ginagawa na niya yatang vitamins), Circulan at Cafe Puro, hanggang Darlington at No Fear Undies. Nagkatuwaan pa nga kame ni IT na ilista ang mga endorsements niya habang may klase kami. Haha. Talo niya pa yata si Heart Evengelista. Wag na kayong mabigla kung sooner or later magiging model na rin si Pacman ng papaya soap, facial wash o kaya naman ay school and office supplies. Iba na talaga ang mga boxer na may album.
3. Kung kaya ni Pangulong Gloria mag-"Hello Garci", kaya niya rin mag-"Hello Manny" Kaya niya rin kayang mag-"Hello Pouchie"? Malamang hindi. Never niya naman kasi ako kakausapin dahil una sa lahat, wala akong kakayahang i-manipulate ang election returns. Pangalawa sa lahat, di kami close. Duh. Kailangan pa bang i-memorize yan?
4. Kung may pera ka at ayaw mong mawala ang momentum mo sa panonood ng isang phenomenal na laban tulad nito dahil sa dami ng commercials in-between the rounds, sa Powerplant ka manood. Kung medyo kapos ka sa pera pero gusto mo pa rin wag mawala ang momentum mo, sorry ka na lang. Magtiis ka sa bahay. Ganun ang ginawa ko.
5. May mga taong binabalitaan na nga ng pagkapanalo ni Pacman, ang sama pa ng loob. Ano kaya yun? Haller?
6. Hindi ko ever i-aaspire na maging boxer dahil ayaw ko madeform ang face ko (yak. ang konyo). On second thought, maski na i-aspire ko pa, hindi naman yata kakayanin ng frail body ko. Magsasayaw nalang ako. Haha.
7. Wala palang tao sa streets (i.e. mga gala) kapag may ganitong mga laban. Isipin niyo na lang ang dahilan. Matalino naman kayo, diba?
8. Ang bouncy talaga ng ring ng boxing ring. I love it.
10. Ang galing talaga ni Pacman.

Naniniwala akong ang dami ko pang stuff na napagtanto nung mga panahong yun. Hindi ko na nga lang masulat at this point in time dahil nakalimutan ko na. Medyo mahaba na rin kasi ang time na nag-elapse between the day ng laban niya at ng araw na pinost ko to. Aww.

Simula pa lang nang nagka-ulirat ako, proud na talaga ako maging Pilipino. At during times like these, lalo pa akong nagiging proud.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home