The Pop-up
Isipin mong naka-Firefox ka rin. Or kung naka-Firefox ka na, never mind this step. Tapos isipin mo na biglang lumabas sa screen yung ganyang pop-up sa screen mo. Anong gagawin mo? Anong pipiliin mong option? Ano ba ang mga option? Isa lang naman, diba? Wala nang iba maliban sa 'OK', right? 'Ok' lang? Nagsusumigaw na 'OK' lang?
Oo nga, maganda naman ang aim nung pop-up na yun. To inform (Naks. Pang-comm na sagot.) Pero the fact remains na isa lang ang pwede mong gawin: i-click ang 'OK'. Yeah, right. Oo, 'OK' lang talaga. OK?
That's the sad part.
May mga instances sa buhay na wala kang ibang choice. Wala kang alternative. Walang mapagpipilian. Simpleng 'OK' lang ang pwede. Sige lang. Go. Parang ganun. Kailangan mo lang tanggapin kung ano man yun. Mabuti sana kung magandang bagay yung hinahain sa'yo. E pano kung hindi? Pano kung mahirap? Pano kung masakit? Pano kung mabigat? Pano kung mabaho? Pano kung chaka? Pano kung epal? Pano kung ayaw mo? Pano na? Pano? Wala, eh. Kailangan mo lang lunukin.
Yung tipong maalat yung asin. Yung parang mabalahibo yung shih tzu. Tipo bang ang tatlo lang yung gulong ng tricycle. Tipo bang madulas yung langis. Yung parang hindi mo mabilang lahat ng bituin sa langit o buhangin sa beach. Tipong wala sa lahat ng library sa mundo yung autobiography ni Snow White at yung mga alagad niyang dwarfs. Tipong sakang yung favorite mong manika. Yung parang hindi mo masyado makain ang papel, tussie pwede pa. Tipo bang QWERTYU ang first seven letters sa first row ng keyboard ng PC at hindi SEXBOMB.
Tipo bang iniwan ka ng mahal mo. Tipong may ibang mahal yung mahal mo. Yung parang hindi ka na niya papansinin dahil masyado na siyang lango sa bagong mahal niya. Tipo bang isa ka na lang particulate sa atmosphere sa kanya. Parang:
Bakit ganun? Ganun talaga, eh. Click 'OK' na. Sayang kuryente.
Hay nako. Ang buhay talaga, parang bato. It's hard. So hard. Tsk tsk.
Share: Na-inspire lang ako sa influx ng sad quotes sa'kin today.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home